Lunes, Disyembre 4, 2017

Malapit na ang pasko at saan nga ba masarap iganap ang pasko kung hindi sa lugar nang Baguio. Malamig na himig nang hangin at tila ibang bansang pakiramdam kumukumpleto sa masarap na kapaskuhan.

 Langhapin sa malamig na simoy nang hangin na nakakapagpasayaw sa mga dahon sa paligid, kalimutan ang problema at pahinga muna. O kung hindi ganun ang trip mo,subukan mong libutin ang magagandang lugar sa Baguio. Nandyan ang nakakarelaks na view sa Mines View park. Kung trip mo naman ay piknik, punta na sa Wright Park. Kung pasan mo naman ang mundo dahil sa problema mo bakit hindi ka muna pumunta sa Cemetery of Negativism at ilibing mo lahat nang problema mo haha pero wag mong kakalimutang hukayin uli ito,  problema ay di tinatakbuhan. At ang huling magandang puntahan ay ang BCC Christmas Village na ang pasko ay damang dama na.

Baguio bigyan mo ako nang maganda pasko. Bakit nga ba ang ganda mo oh Baguio.